24 Oras Express: March 14, 2022 [HD]



Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Lunes, March 14, 2022:

– P13.15/L na taas-presyo sa diesel at P7.10/L sa gasolina bukas, problema ng mga motorista

– PNOC, pinag-aaralan na raw ang interim oil stockpiling para masigurong may sapat na supply ng langis ang bansa

– Ilang tsuper at rider, nagta-tiyaga sa patingi-tinging gasolina dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo; gasolinahan sa Zamboanga, pinilahan

– 5 kabilang ang isang pulis at isang sibilyan, patay sa engkwentro sa sabungan

– P470 na dagdag sa minimum wage, ipinepetisyon ng TUCP sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro Manila

– Ilang Pinoy sa Ukraine, piniling manatili para tumulong sa mga biktima ng giyera

– Warehouse ng Comelec sa Laguna na pinag-iimbakan ng mga vote counting machine, ballot box at iba pang kagamitan sa eleksyon, ipinasilip

– Sen. Drilon: dapat magbitiw si Comm. Aimee Neri para ‘di mawala ang tiwala ng publiko sa Comelec

– Kampo ni Marcos, hinikayat daw ang partidong Aksyon Demokratiko para itaas ang antas ng politika at wakasan ang paninira sa kapwa

– Sen. Pacquiao sa gulo sa Ukraine: dapat inihahanda na ng bansa ang depensa nito; pabor sa ROTC basta’t ‘di raw maaabuso

– Pres. Duterte: may intelligence report na nagsanib-puwersa ang mga “dilawan” at komunistang grupo para manggulo sa eleksyon

– Sen. Lacson, nilinaw ang kumalat umanong text message sa Mindanao at idiniing hindi siya aatras sa laban

– Partido ni Moreno, sumulat sa DepEd kaugnay sa paghimok umano ng isang principal na sumama ang mga mag-aaral sa pagsalubong kay VP Robredo

– VP Robredo, pinalagan ang red-tagging sa kanya sa text messages at online

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV ( for GMA programs, including the full version of 24 Oras.

24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online ( for more.